Aktibong kaso ng COVID-19 sa Sorsogon 7 na lang

SORSOGON CITY – Bahagyang bumaba ang bilang ng aktibong kaso ng Covid-19 sa lalawigan ng Sorsogon matapos na makarekober ang tatlo sa mga tinamaan ng sakit.

Sa pinakahuling datos na ipinalabas ng Provincial Health Office (PHO) Sorsogon, dalawa sa mga bagong gumaling ay mula sa bayan ng Gubat habang ang isa naman ang mula sa lungsod ng Sorsogon.

Read More:  Student dies after lightning strike during hike at Mt. Sayao in Biliran

Mula sa sampo ay pito na lamang ang nanatiling aktibong kaso habang wala namang naiulat na bagong tinamaan ng sakit kahapon.

Read More:  7 drivers test positive in initial Bacolod drug screening

Patuloy ang panawagan ng ahensya sa publiko lalo na ngayong nasa kasagsagan ng Pili Festival na sa lahat ng aktibidad ay dapat sundin pa rin ang minimum health standards gaya ng pagsusuot ng face mask at lalo na ang pagpapabakuna kontra Covid-19.