Ilang Hajj pilgrims, na-stranded sa Maynila dahil sa visa issue

Na-stranded ang ilang Hajj pilgrims sa Maynila dahil umano sa visa issue kung saan umabot sa P300,000 ang binayaran nila para sa kanilang travel arrangements sa Saudi Arabia.

Read More:  OVP’s ₱785.2 million budget passes Senate committee in 16 minutes

Karamihan sa mga naturang pilgrims ay galing pa sa Zamboanga na nakatakda sanang lumipad noong June 20 hanggang 21.

Ayon kay National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) Spokesperson Commissioner Yusoph Mando, gumagawa na umano sila ng paraan kaugnay nito.

Read More:  ICC prosecution drops one incident from Duterte case

Samantala, iginiit niya na babayaran nila ang hotel accommodations at food expenses ng mga na-stranded na pilgrims. (ARGIE ERGINA)