Dapat bigyan ng malaking mandato ang pagiging Bise Presidente – VP Robredo

Iginiit ni outgoing Vice President Leni Robredo na dapat bigyan ng malaking mandato ang pagiging Bise Presidente bilang ikalawang pinakamataas na pusisyon sa bansa.

Ayon kay Robredo, kailangan umano itong pag-isipan ng pamahalaan dahil sayang umano ang opisina kung hindi magiging creative ang uupo dito.

Read More:  Padilla urges critics to meet Chinese Ambassador Jing Quan personally

Inamin niyang mahirap ang pinagdaanan niya at ng kanyang tanggapan dahil hindi umano itong itinuring na parte ng gobyerno.

Read More:  Dela Rosa camp questions legal basis of ₱50 million reward

Samantala, nakatakdang magtapos ang termino ng nasabing ikalawang pangulo sa ika-30 ng Hunyo ngayong taon. (ARGIE ERGINA)