DOH, iginiit na walang surge kasabay ng pagtaas ng Covid-19 cases

Iginiit ng Department of Health (DOH) na wala pang surge kasabay ng pagtaas ng kaso ng Covid-19 sa bansa.

Ito’y kasunod ng mga naitatalang kaso ng naturang sakit sa ilang nakaraang araw sa loob ng dalawang buwan.

Read More:  Ateneo holds 40th-day memorial mass for Baterbonia and Adili

Ayon kay DOH undersecretary Maria Rosario Vergeire, hindi umano ito matatawag na surge dahil hindi naman malaki ang bilang ng mga naidadagdag dito.

Read More:  Senate court targets VP Sara confidential funds issue before August

Samantala, umabot na sa 4,000 ang bilang ng mga aktibong kaso ng nasabing nakakahawang sakit sa Pilipinas. (ARGIE ERGINA)