VP Leni Robredo, pinangunahan ang panunumpa ng ilang opisyal sa Naga

Pinangunahan ni outgoing Vice President Leni Robredo ang panunumpa ng ilang opisyal sa Naga kabilang ang muling nahalal na si Mayor Nelson Legacion.

Ginanap ang naturang inagurasyon sa Plaza Quezon kung saan nag-umpisa ang kaniyang kampanya bilang isa sa mga tumatakbong pangulo noong nakaraang halalan.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Robredo na nabahala siya sa resulta ng eleksyon ngayong taon sa lugar dahil sa talamak na vote-buying.

Read More:  PNP identifies two suspects in Mima Alicia killing

Samantala, nakatakda niyang ilunsad ang Angat Buhay NGO sa darating na Hulyo kung saan matatapos ang kanyang termino sa katapusan nitong buwan. (ARGIE ERGINA)