Nayong Pilipino vaccination site, ‘suited’ para sa 24/7 na ops – NTF

Inihayag ng National Task Force Against COVID-19 spokesperson Restituto Padilla na ang planong itayo ng gobyerno na vaccination site sa loob ng Nayong Pilipino property ay posibleng mag-operate ng 24/7, para mapataas ang bilang ng mababakunahan, araw-araw.

Read More:  SC upholds five-year term for barangay and SK officials

Ayon kay Padilla, ang kagandahan rin dito ay may sariling storage facility, at may makukuha rin umano silang bakuna na tuloy tuloy.

Sa kabila naman na hindi pa inilulunsad ang kontrobersiyal na mega-vaccination site, target ng gobyerno na masimulan ito ngayong buwan.

Read More:  PPA prepares for expected surge in travelers during five-day ASEAN Summit holiday

Una nito, tutol ang Nayong Pilipino Foundation sa naturang proyekto, dahil ang construction activities ay posibleng magbigay ng danyos sa kalikasan. // MHEL PACIA