Mahigit sa 20 pamilya nasunugan ng bahay sa Masbate nabigyan ng tulong pinansyal mula sa DSWD Bicol

LEGAZPI CITY – Umabot sa 24 pamilya mula sa Barangay Kalipay, Masbate City ang nabahagian ng tulong pinansyal na nagkakahalaga ng PHP 205,000 dahil sa nangyaring insidente ng sunog.

Tinatayang 17 na pamilya na may totally damaged houses ang nakatanggap ng PHP 10,000 at 7 naman na may partially damaged houses ang napagkalooban ng PHP 5,000.

Read More:  2 dead, 2 injured after van crashes into two motorcycles in Cebu

Bukod sa ayuda para sa mga pamilya na may partially at totally damaged houses, namahagi ang ahensya ng 117 Family Food Packs (FFPs) sa 39 biktima ng sunog.

Ang isinagawang payout ay bahagi ng Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS, isa sa mga social welfare services na ibinabahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Read More:  P398M Himamaylan loan-funded projects delayed by up to 1,286 days – COA

Layunin nito na tulungan ang mga mahihirap nating kababayan na sumasailalim sa krisis upang matugunan sa kanilang mga pangangailangan.