9 bayan sa Camarines Sur, Alert level 1 hanggang sa June 30; no vaccination card, no entry sa karnabal

NAGA CITY- Siyam na mga bayan sa Camarines Sur ang nasa pinakamababang risk classification sa COVID-19 o Alert Level 1 hanggang Hunyo 30, 2022.

Ang mga bayang ito ay  Pili, Bombon, Cabusao, Camaligan, Caramoan, Pamplona, Presentacion , Tigaon at San Fernando. Kasama rin ang mga lungsod ng Naga at Iriga .

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Municipal Risk Reduction and Management  Officer  (MDRRMO) Rommel Fajardo ng San Fernando, sinabi nitong malaking kaginhawaan sa galaw ng komunidad ang mataas na vaccination rate, sa katunayan mahigit 80% aniya ng target population  ang naabot.

Halimbawa nito ang pagdiriwang nila ng town fiesta, maraming mga makukulay na aktibidad. Gayunpaman may mga protocols paring ipinatutupad tulad ng “No Vaccination Card ,  No Entry Policy” sa adult population sa karnabal. Pinapapasok ang mga batang edad 5-11 anyos na hindi pa bakunado bastat ang mga kasama ay vaccinated.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Sa kasalukuyan , wala namang reklamong natatanggap ang kanilang opisina ukol sa patakaran.