PNP Cordon, iginiit na walang palakasan system sa border checkpoint

Binigyan diin ng PNP Cordon na walang nangyayaring palakasan system sa border checkpoint sa mga pumapasok sa probinsya.

Ito ang iginiit ni PCpt. Grandeur Tangonan, ang bagong hepe ng PNP Cordon sa naging panayam ng 92.9 Brigada News Cauayan.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Ayon kay Pcpt. Tangonan, sinisigurado nilang nasusunod ang mga protocols at guidelines ng kanilang tanggapan at kanilang lokal na pamahalaan na pinagtibay ng mga ibinabang resolusyon mula sa Provincial Government of Isabela at Inter Agency Task Force on Emerging Infectious Disease (IATF-EID).

Kinakailangan umanong magprisinta ng negatibong resulta ng RT-PCR Test ang lahat ng papasok sa probinsya maliban na lamang kung pass thru kung saan ay kailangan lamang ng VALID ID at magfill-out sa kanilang log book.

Read More:  Kabankalan SP questions proposed festival funds, seeks accounting of past spending

Nakaalerto naman 24/7 ang kanilang pwersa at nagpapatuloy parin ang kanilang pagpapatrolya sa kanilang nasasakupan sa pagpapaalala sa mga health protocols.