Kilos-protesta sa bansang Ecuador lalong tumindi, mga pangunahing kalsada hinarang

Hinarang ng mga nagpoprotestang mamamayan ang mga pangunahing kalsada sa Ecuador bilang protesta laban sa economic policies ng kanilang gobyerno.

Ayon sa report, nasa 20 roadblocks ang na-set up ng mga protesters sa 11 Ecuadorian provinces kung saan naharang ang mga kalsada papasok sa capital city na Quito.

Read More:  Ebola cases in Congo surpass 10,000 amid worsening outbreak

Kabilang sa mga hirit ng mga protesters ang pagpapababa sa presyo ng petrolyo at ang pagpapababa sa price cap ng mga agricultural products.

Matatandaan na sa kasalukuyang ay nahaharap ang Ecuador sa tumataas na inflation, unemployment at kahirapan.

Read More:  Sri Lanka rescues 40 Iranian sailors after medical emergencies at sea

Mula noong 2020 sa pagsisimula ng COVID-19 pandemic ay naitala na ang dobleng pagtaas ng presyo ng gasolina maliban pa sa mabilis na pagtaas nito sa $2.10 sa kada galon o 3.79 liters.