Higit sa 170 volcanic earthquakes, naitala sa Bulkang Bulusan

Muling dumami ang mga naitatalang volcanic quakes sa palibot ng Bulkang Bulusan sa Sorsogon.

Sa latest monitoring ng PHIVOLCS, na-monitor ang 178 na volcanic earthquakes sa nakalipas na bente-kuwatro oras.

Read More:  Chinese vessels block PH operation near Pag-asa

Higit itong mas marami sa 149 quakes na naitala kamakalawa.

Maliban pa rito, aabot din sa higit 600 tonelada ng sulfur dioxide ang ibinuga ng Bulkan.

Read More:  No government expense for Marcos’ F1 ticket, Palace says

Sa kasalukuyan, nananatili pa rin sa Alert Level 1 ang status ng Bulkang Bulusan.

Muli ring ipinaalala sa publiko na mahigpit na ipinagbabawal ang pagtuntong ng tao sa loob ng 4-kilometer-radius permanent danger zone.
#