PHIVOLCS, pinaghahandan ang posibilidad ng ‘lahar flow’ sa Bulkang Bulusan

Pinaghahandaan ng PHIVOLCS ang posibilidad ng pag-apaw ng lahar mula sa Bulkang Bulusan.

Ayon kay PHIVOLCS Dir. Renato Solidum, posible ang ‘lahar flow’ sakali mang makaranas ng tuluy-tuloy na malakas na pag-ulan sa lugar partikular na sa Hilagangkanlurang bahagi nito.

Read More:  Padilla renews death penalty call after MC taxi rider killing

Paliwanag ni Solidum, nasa northwest side ng bulkan nakadeposito ang abo mula sa Bulkan kaya posible itong dumaloy sa ilog papunta sa bayan ng Juban.

Sa kasalukuyan, wala pa rin naman umanong dahilan para magpatupad ng forced evacuation.

Samantala, hindi pa iniaalis ng PHIVOLCS ang posibilidad na masundan pa ang eruption ng Bulusan.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Ayon kay Solidum, mahaba-haba raw ang katangian ng isang ‘phreatic eruption’.

Posible raw na bahagi lang ito ng serye ng pagsabog kaya tuloy pa rin ang mahigpit na monitoring nila dito.
#