Driver ng SUV na nanagasa ng isang sekyu sa Mandaluyong, mahaharap sa kasong frustrated murder

Sasampahan na ng kasong frustrated murder ang drayber ng isang SUV na sumagasa sa isang security guard na nagma-mando ng trapiko sa isang mall sa Mandaluyong.

Ayon sa Mandaluyong Police, tukoy na ng mga ito ang pagkakakilanlan ng drayber ng puting RAV 4 na may plakang NCO-3781 na sumagasa kay Christian Joseph Floralde, dahilan para isugod ito sa ospital matapos ang injuring natamo nito sa kanyang katawan.

Read More:  Abalos backs DFA’s condemnation of China’s ‘monkey’ video

Sa ngayon, hindi pa rin pinapangalanan ang drayber nito ngunit sinuspiunde na ng 90 araw ang kanyang driver’s license.

Nag-isyu na rin ng show cause order ang LTO-NCR at pinahaharap ang drayber sa hearing bukas.

Read More:  Padilla renews death penalty call after MC taxi rider killing

Matatandaang nag-viral ang isang dashcam footage kung saan ay makikitang hinarang na ng security guard ang RAV 4 bilang magbigay sa mga motorista sa intersection.

Sa kabila nito, imbis na huminto ang sasakyan ay binundol pa ang security guard.

Nang mapatumpa ito, ginulungan pa ito ng drayber at humarurot papalayo.
#