Magpa-karga na mga kaBrigada dahil kasado na ang BIG-TIME na umento sa presyo ng produktong petrolyo simula bukas.
Sa abiso, may dagdag na P6.55 sa kada litro ng diesel.
Samantala, P2.70 naman ang umento sa kada litro ng gasolina; at P5.45 sa kada litro ng kerosne.
Alas-sais ang oras ng price adjustment sa Shell, SeaOil, PTT, Phoenix Petroleum at Jetti.
Alas-otso naman ng umaga epektibo ang adjustment sa CleanFuel; habang alas-dose ng madaling araw bukas sa Caltex.
#