Bistado ang pagnanakaw ng mga hindi pa nakikilalang kabataan bandang alas-dose ng tanghali ngayong Lunes, June 6, 2022 sa Gavins Dry Goods, Bonoan Road Old Public Market Puerto Princesa City.
Sa panayam ng Brigada News FM sa kahera na si Jessy Vicente Cayao ay napansin niya na umano sa CCTV na iba ang ikinikilos ng pumasok na kabataan, at may isa pa na kustomer ang nakakita ng ilabas ng isang kabataan ang jacket na tinupi bago ipinasok sa singit.
Agad niya umano itong sinita at nabawi ang jacket, pagkatapos ay nagtatakbo na palabas ng kanilang tindahan ang kawatan.
Samantala, naiwan ang dalawang look-out sa labas na itinanggi naman na hindi daw nila kasama ang mga bistado.
Tinukoy ang mga salarin na may tattoo sa leeg na chinese character, nakasuot ng Jersy short at may tatoo sa balikat na mukha ng tao.
Payo ng kahera na maging maingat at mapag- matyag sa mga pumapasok na customer.