PHIVOLS, pinaalalahanan ang mga taga-Sorsogon sa banta sa kalusugan ng ashfall

Pinaalalahanan ng PHIVOLCS ang mga residenteng malapit sa Bulkang Bulusan na hanggat maaari ay magsuot ng mga N95 face masks para maiwasan ang mga sakit na maidudulot ng ashfall.

Ayon kay PHIVOLCS Dir. Renato Solidum, mayroong panganib na dala sa kalusugan sakali mang malanghap ang abong ibinuga ng bulkan.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Kabilang na aniya rito ang mga sakit na maidudulot sa respiratory system dahil ito ay isang irritant sa baga.

Sa kasalukuyan, wala pa anman aniyang matinding concentration ng sulfur dioxide na namo-monitor sa area.

Read More:  Palace says VP Sara’s alleged threat involves national security

Sa kabila nito, may matinding amoy ng gas kaya dapat itong paghandaan.

Sa oras na lumala pa ang ashfall, pinayuhan nito ang LGU na magdeklara ng evacuation ngunti sa ngayon, hindi na muna ito kinakailangan.
#