Aabot sa halos 200 indibidwal ang nagsilikas matapos ang naganap na pagsabog ng Bulkan Bulusan.
Ayon kay outgoing Sorsogon Governor and Senator-elect Chiz Escudero, 53 pamilya o katumbas ng 173 na mga individuals ang kasalukuyang nananatili sa Tughan Elementary School sa Juban.
Ipinamahagi na rin ang mga food packs, beddings, hygiene kits at iba pang mga pangangailangan at basic needs ng mga bakwit.
Samantala, sa pinaka-huling monitoring ng PHIVOLCS, nakapagtala ng 29 na mga volcanic earthquakes sa nakalipas na 24 oras.
Nananatili namang nakataas ang Alert Level 1 sa Bulkang Bulusan.
#