Higit isang libong senior citizens at person with disabilities, tumanggap ng ayuda mula MSWDO Botolan

BOTOLAN-Tumanggap ng first quarter financial assistance ang mga senior citizens at mga PWD’s sa bayan ng Botolan.

Ito ay dagdag tulong ng pamahalaan para sa pangangailang pang-kalusugan at medikasyon ng mga senior citizen na may edad 70 at 80 pataas, nakaratay sa higaan  at iba pa.

Read More:  Once tagged among Negros’ poorest, Ilog bets on homegrown doctors, lawyers

Ang financial assistance na tig-iisang libong pisong ay binigay sa 1,545 benepisyaryo noong May 20 sa bawat baranggay covered court.

Read More:  Army conducts live-fire exercises as HRAN flags risks to Sipalay residents

Ayon sa MSWDO Botolan, higit isang milyong piso ang kabuuang halaga ng tulong pinansyal mula sa pondo ng lokal na pamahalaan.//Russell Banawa-BNFM IBA

Photo Courtesy: OneBotolan Magkamiha