CAMARINES NORTE- Hinimok ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang mga nagma- may ari at operator ng commercial fishing vessel na mag secure ng lisensiya sa kanilang opisina.
Sa isinagawang Maritime Stakeholders meeting kahapon, sinabi ni Fisheries Regulatory Officer 1 Alexander Auro ng Provincial Fishery Office na handa silang tugunan ang pangangailangan ng mga commercial fishing vessel.
Ipinaalala ni Auro na lifted na ang moratorium sa pag register ng mga commercial fishing vessel.
Batay sa imbentaryo ng BFAR mayroong 163 commercial fishing vessel na nag o-operate sa lalawigan ng Camarines Norte.
Maaari umanong lumapit sa kanilang opisina ang mga ito kung mayroong problema sa license para matulungan.
Importante umanong maayos ang lisensya upang panatag ang loob sa pagpalaot at hindi basta- basta sisitahin o huhulihin.
“Kung kayo ay lalaot ay panatag ang inyong loob na hindi kayo basta- basta sisitahin o magkakaroon ng problema during sa operation ninyo, kasi willing naman po ang aming tanggapan na, to accommodate kung ano yung mga, saan kayo nahihirapan sa pag secure ng mga license kaya madali lang naman po basta makipagtulungan lang po sa aming tanggapan,” ani Auro.
