Unang rehiyon na nagpadala sa mga National server ng resulta ng halalan isang record time- COMELEC Bicol

LEGAZPI CITY – Ito na ang pinakamabilis na naitala sa kasaysayan ng Commission on Election (COMELEC) Bicol na ginanap na National and Local Elections.

Ayon kay Regional Director Atty Ma. Juana Valeza ng tanggapan, isang record time history ito para sa Comelec BICOL dahil sa kauna unahang rehiyon na nagpadala sa mga National Server ng resulta ng halalan.

Read More:  ₱5.3M suspected substandard laptops seized in Cebu City

Mula sa 6,656 clustered precincts ay agad nila ito naipadala sa national server na hindi nagkaroon umano nang pagkaantala.

Hindi rin inabot ng halos tatlong araw sa pagbibilang at canvassing ang ahensya nitong halalan.

Dahil dito nakamit ang mga tagumpay na ito sa pamamagitan ng pagtutulungan ng lahat ng mga deputized na ahensya, mga tauhan ng COMELEC, mga manggagawa sa botohan, at iba pang mga tinitingalang stakeholder, na nakatuon sa pagprotekta sa kalinisan ng mga boto.

Read More:  5-year-old boy dies after falling into pit in Davao City

Present din sa post-election at appreciation day ang mga deputized agencies tulad ng Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Information and Communication Technology (DICT) at National Telecommunications Commission (NTC).