Watchman, huli sa drugs sa Puerto Princesa

Arestado ng pulisya dahil sa ilegal na droga ang isang kawani ng Pamahalaang panlungsod nitong Linggo ng gabi sa New Market Barangay San Jos,e Puerto Princesa City.

Kinilala ng PNP ang naaresto na si MICHAEL ZABALA GANANCIAL alyas Mike, 42 anyos, isang watchman sa New Public Market na tinukoy na High Value Individual (HVI).

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Batay sa Puerto Princesa City Police Office, nahuli sa drug buybust operation ganap na 10:47 kagabi si Michael ng Regional Provincial Drugs Enforcement Uni kasama ang tauhan ng Police Station 1, CIU, CDEU PPCPO, 401st B MC RMFB, POP TF Palawan.

Nabili ng operatiba kay Mike ang isang pakete ng white crystalline substance kapalit ng 1, 500 pesos.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Matapos ang transaksyon ay narekober sa suspek ang iba pang plastic sachet, mga pera, bag at iba pa.

Samantala, kakasuhan si Mike ng paglabag sa Sec. 5, and 11 of Art II of Republic Act 9165.