Ice plant sa Puerto Princesa, nasunog!

Mabilis na nilamon ng apoy ang isang ice plant sa  Barangay Matahimik, Puerto Princesa City ngayong Lunes, May 16, 2022.

Ayon kay SFO1 Mark Llacuna ng City Fire Department, pasado alas-singko kaninang madaling araw nagsimula ang sunog sa kisame ng Orodemar Marine Products Ice plant.

Read More:  Army soldier, wife killed after Bacolod family dispute

Ang gusali ay pagmamay-ari ng City government na nirerentahan lamang ng negosyanteng pamilyang Timon.

Maaring kuryente ang dahilan ng sunog na kinokonsiderang aksidente at malayong mangyari na sinadya ito.

Read More:  Volunteer teacher helps pupils cross swollen river after class in Negros

Alas-syete ngayong umaga ay nakontrol ito ng mga bumbero at walang naiulat na nasaktan.

Samantala, tinatayang 15M ang pinsala ng sunog, ayon sa may-ari ng planta.