Posibilidad ng pagpasok sa lalawigan ng BA.2.12.1 Omicron subvariant pinaghahandaan ng PHO

CAMARINES NORTE- Pinagtutuunan na ngayon ng pansin ng Provincial Health Office ang posibilidad na makapasok sa Camarines Norte ang mas nakahahawang BA.2.12.1 Omicron subvariant na na- detect na sa National Capital Region at probinsya ng Palawan.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet sinabi ni Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco na mayroon umanong mga pag aaral na sinasabing mas mabilis itong makahawa kumpara sa ibang naunang variant.

Read More:  2 killed, 1 hurt in Tagum City pedicab shooting

Ito umano ang dahilan kung bakit nais ng PHO at Department of Health na mapalawak pa ang pagbabakuna kontra COVID- 19.

Sa ngayon kasi ay hindi pa naaabot ng lalawigan ang herd immunity na dahilan upang manatili ito sa Alert Level 2.

Nanawagan si Francisco sa mga hindi pa nagpapabakuna na magpabakuna na para na rin sa kanilang proteksyon kontra sa sakit.

Read More:  NIR cities, towns recognized for open governance initiatives

Samantala, zero case ngayon ng COVID- 19  ang  Camarines Norte at matagal- tagal nang panahon nang huling magkaraoon ng kaso.

Sa ngayon ay wala umanong naka- admit sa COVID ward ng Camarines Norte Provincial Hospital ganundin sa mga pribadong ospital.