Naiproklama na ng Bataan Provincial Board of Canvassers ang mga nanalong kandidato bilang gobernador, bise-gobernador, mga bokal, at mga kinatawan ng una, ikalawa at ikatlong distrito sa lalawigan ng Bataan.
Ito ay matapos magwagi ang mga ito sa katatapos na 2022 national and local election noong Lunes, Mayo-9.
Nagwagi bilang Governor si Joet Garcia, nanatili bilang Vice Gov. Si Cris Garcia, Bataan 1st District Rep. Geraldine Roman, 2nd District Congressman-Elect Abet Garcia at Congresswoman-Elect Gila Garcia ng 3rd district of Bataan.
Samantala, ang ibang mga nagwaging kandidato mula sa una hanggang ikatlong distrito sa lalawigan ay naiproklama na rin ng Bataan Provincial Board of Canvassers.//Jeff Valdez-BNFM OLONGAPO
Photo Courtesy: Abet Garcia
