Ilang nanalong mayor sa Metro Manila, naiproklama na

Naiproklama nang panalo bilang Makati City mayor si Abby Binay ngayong umaga ng Martes.

Panalo rin ang running mate nito at incumbent Vice Mayor na si Monique Lagdameo.

Read More:  Philippine peso hits historic ₱64 per dollar

Ito na ang ikatlong termino ni Binay bilang alkalde ng Makati.

Naiproklama na rin ngayong umaga si Vico Sotto bilang Pasig Mayor.

Second term na ito ni Vico matapos ang landslide victory.

Read More:  Malacañang urges Sen. Bato Dela Rosa to surrender

Sa Valenzuela City, panalo si Wes Gatchalian bilang bagong mayor ng lungsod.

Si dating Vice Mayor Jeannie Sandoval naman ay panalo bilang alkalde ng Malabon City.

Naiproklama na rin si Francis Zamora bilang alkalde ng San Juan City kagabi.