DOH hindi naglagay ng vaccination site sa mga polling center sa Camarines Norte

CAMARINES NORTE- Inihayag ng Department of Health na hindi ito naglagay ng vaccination site sa mga polling center sa lalawigan ng Camarines Norte kahapon.

Sa kabila ito ng pagpayag ng Commission on Elections na magsagawa ng pagbabakuna sa mga voting centers habang kasabay ding ginagawa ang pagboto.

Ayon kay DOH Provincial Officer Dr. Jocelyn Iraola, kahit pumayag ang Comelec ay nakadepende pa rin naman aniya ito sa mga Local Government Units.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Matatandaan na inihayag ng ahensiya na maglalagay ng mga bakunahan sa mga polling places para sa mga nagnanais magpabakuna.

Una itong tinutulan ng Comelec pero kalaunan ay pinayagan din

Gayunman, sa halip na vaccination site ay naglagay na lamang ng mga Health Station sa mga priority precinct sa iba’t- ibang bayan.

Halos 40 Health Station ang inilagay ng DOH upang tumugon sa pangangailangang medical ng mga botante at sa anumang emergency.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Pinakamaraming iniligay na health station sa bayan ng Daet.

Sa pag- iikot ng DOH team sa iba’-t ibang bayan sinabi ni Iraola na wala namang mga naitalang higdi magandang pangyayari maliban sa ilang napaulat na tumaas ang blood pressure dahil sa init ng panahon na agad din namang natugunan.

Namigay rin ng libreng face mask ang mga health personnel sa mga botanteng walang face mask.