Muli na namang nakaranas ng missile attack ang Odesa city sa Ukraine mula sa Russian troops.
Ayon sa pahayag ng mga residente, bandang alas-10 ng gabi nang makarinig sila ng mga malalakas na pagsabog na yumayanig sa mga gusali.

Napag-alaman na isa sa mga malaking shopping center sa lungsod ang nasunog kasunod ng pag-atake.
Napinsala din ang 5 gusali habang dalawa ang sugatan sa nasabing missile attack.
Hindi naman malinaw kung ano ang target ng latest attack pero base sa report ng mga otoridad, kabilang sa mga napinsala ang residential at industrial sa lungsod