Go umapela sa PhilHealth na tugunan ang mga alalahanin hinggil sa premium hike

Umapela si Senador Christopher “Bong” Go sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na tugunan ang mga alalahanin hinggil sa nakatakdang pagtaas ng kontribusyon sa premium nito ngayong taon.

Ayon kay Go dapat maingat na balansehin ng pamunuan ng PhilHealth ang mga hinaing hinggil sa pagtaas ng kanilang singil sa mga miyembro.

Kailangan din umanong timbangin nang maayos kung paano mapapagaan ang hirap na kinakaharap pa ng mga Pilipino dahil sa pandemya at ang pangangailangang magkaroon ng sapat na pondo para sa mas pinabuting serbisyo at programa sa ilalim ng mas maayos na pagpapatupad ng Universal Health Care ( UHC) Act.

Read More:  Flood control probe pushes through, Baligod and 18 ‘Ex-Marines’ invited

Bilang pinuno ng Senate Committee on Health, sinabi ni Go na habang tinitiyak ang wastong pagpapatupad ng UHC Law, kailangang gumawa ng mga hakbang upang maprotektahan ang pinakamahusay na interes ng mga Pilipino, partikular ang mga mahihirap.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Hinimok din ni Go ang Ehekutibo na masusing pag-aralan ang usapin sa pamamagitan ng pagbalanse ng tamang pagpapatupad ng batas sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa sa gitna ng patuloy na pandemya.

Sa ilalim ng UHC Law na nilagdaan noong 2019, ang PhilHealth premium rates ay nakatakdang unti-unting tumaas simula sa 2.75% noong 2019 hanggang 5% sa 2024 at 2025.