DOH tiniyak na ligtas ang mga polling precincts sa harap ng pandemya

Tiniyak ng Department of Health (DOH) na ligtas at naaayon sa COVID-19 protocols ang sistema sa mga polling precinct sa pagdaraos ng halalan sa gitna ng pandemya.

Ayon kay Health spokesperson Maria Rosario Vergeire, bukod sa mga unang inilabas na protocol ng Commission on Elections (Comelec), nagbigay pa ang DOH ng dagdag na rekomendasyon para masigurong maiiwasan ang pinangangambahang hawahan sa halalan.

Read More:  Palace says Dizon cleared, Cayetano not investigated in SEA Games issue

Kabilang na umano dito ang pagkakaroon ng safety officers, na kapag may nakapasok na may sintomas ng COVID-19 ay nandoon na rin ito at mayroong isolation precinct.

Read More:  House prosecutors say VP Sara Duterte’s high ratings won’t affect impeachment trial

Maliban dito, ang pagkakaroon ng sapat na bentilasyon sa mga presinto ang isa sa pinakamahalagang masunod bukod sa pagsusuot ng mask at palagiang pag-sanitize ng mga kamay ng mga botante.