LEGAZPI-Aabot sa humigit-kumulang 8 libo na mga men in uniform ang naideploy na kahapon sa ibat ibang bahagi ng Bicol Region.
Sa isinagawang simultaneous multi-agency send-off ceremony for safe National and Local Elections 2022, nasa 7,952 ang naideploy na mula sa PRO5; Philippine Army; Maritime Unit; Highway Patrol Group; Special Action Force; and Philippine Coast Guard.
Siniguro naman na magiging available ang mga sasakyan ng PNP na kung saan aabot sa 756 logistical support ng PNP ang naka-standby.
Kung matatandaan, una ng ideneploy ang 462 contingents ng Regional Special Operations Task Group (RSOTG) sa Masbate.
Nakapag-trained rin ng aabot sa 231 police sa ilalim ng Regional Headquarters Unit-Reactionary Standby Support Force (RHQ-RSSF) na siyang aalalay sa Search and Rescue Operation; Emergency Medical Response; Response to Active Shooter; at Crowd Management.
Target ngayon ng PNP Bicol ang zero incident sa pagtatapos ng halalan 2022.