John Riel Casimero, tinanggalan ng WBO championship belt

Tinanggal ng World Boxing Organization ang WBO world bantamweight belt sa Pinoy boxer na si John Riel Casimero, matapos na bigong sumunod sa mga kondisyon na itinakda ng kanilang resolusyon.

Mababatid na napanalunan ni Casimero, 31-4 na may 21 knockouts, ang naturang titulo nang talunin niya si Zolani Tete noong 2019, kung saan dalawang ulit pa nitong matagumpay na naidepensa ang titulo, na ang pinakahuli ay noong nakaraang Agosto laban kay Guillermo Rigondeaux.

Read More:  Organizers aim to sell 50,000 tickets for Alex Eala’s Philippine Exhibition Match

Muli sanang idedepensa ni Casimero ang titulo laban kay Paul Butler noong Disyembre sa Dubai pero hindi natuloy nang magkasakit ng gastritis ang Pinoy, at naipagpaliban sa Abril 22 pero hindi na naman natuloy matapos na labagin umano ni Casimero ang patakaran ng British Boxing Board of Control na bawal magbawas ng timbang sa pamamagitan ng paggamit ng “sauna.”

Read More:  Ernie Gawilan bags Philippines’ first gold at 2026 Asian Para Games

Dahil dito, ang kapwa Pinoy boxer na si Jonas Sultan ang ipinalit kay Casimero para sa WBO interim bantamweight title pero natalo via unanimous decision kay Butler.

Bunsod nito, si Butler na ang magiging opisyal na kampeon sa naturang dibisyon mula sa pagiging “interim” champ, at magiging no. 1 contender naman sa titulo si Casimero.