Operasyon ng E-sabong sa Camarines Norte tigil na rin

CAMARINES NORTE – Inihayag ng Department of the Interior and Local Government na tigil na rin ngayon ang operasyon ng mga betting center ng e- sabong sa Camarines Norte.

Kasunod yan ng kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagpapatigil sa E- sabong matapos umanong irekomenda ni Interior Secretary Eduardo  Año.

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan

Sa maikling text message sa Brigada News FM Daet ni DILG Provincial Director Ray Caceres kinumpirma nito na epektibo ang kautusan matapos ang anunsiyo.

Matatandaan na sinabi ng Pangulo sa kaniyang prerecorded Talk to the People na isinahimpapawid noong Martes na sinasangayunan niya ang naging rekomendasyon ng kalihim.

Ang E- sabong ang sinisisi sa pagkasira umano ng “moral values” ng  maraming pinoy.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Kaugnay naman nito ay nagpaalala ang DILG na posibleng arestuhin at maharap sa kaso ang mga violators.

Sinabi ni Undersecretary at DILG Spokesperson Jonathan Malaya na ang pagpapatuloy ng pag operate ng e- sabong ngayuong panahon ay maituturing nang iligal.