Higit pisong rollback sa fuel prices, kasado bukas!

Kasado na bukas ang bagong round ng roll back sa presyo ng produktong petrolyo.

Sa abiso ng oil companies, may rollback na P0.65 sa kada litro ng gasolina.

Read More:  Supreme Court budget ruling may figure in new Marcos impeachment bid

P1.15 naman ang bawas sa kada litro ng diesel; habang P1.15 din ang tapyas sa kada litro ng Kerosene.

Epektibo bukas, alas-sais ng umaga, ang fuel price adjustment sa Shell, Petro Gazz, at sa SeaOil; habang alas-otso ng umaga naman ang adjustment sa Clean Fuel.

Read More:  Four Philippine Air Force pilots killed as two SF-260 aircraft crash

Ang rollback na ito ay ipinatupad matapos ang ilang linggong big-time price hike.
#