Mahigit 1,200 sundalo ng 903rd Brigade nakibahagi sa LAV

SORSOGON CITY – Nasa 1, 257 na mga sundalo ng 903rd ‘Patriot’ Brigade ang nagrehistro at bumoto sa katatapos na tatlong araw na Local Absentee Voting (LAV).

Sa Punong Himpilan ng 903rd Brigada ay may naitalang 71 registered voters.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Ang aktibidad ay alinsunod sa Comelec Resolution No. 10725 na nagpapahintulot sa mga opisyal at emleyado ng gobyernno, mga miyembro ng unipormadong serbisyo kasama ang mga miyembro ng media na nararapat na rehistradong mga botante na bumoto para sa national at local elections kung saan sila pansamantalang itinalaga.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Sakop ng 903rd Brigade, na nakabase sa Castilla, Sorsogon ang 31st Infantry Battalion sa bayan ng Juban, 22nd Infantry Battalion na nakabase sa Bulan sa lalawigan ng Sorsogon at ang 2nd Infantry Battalion na nasa islang lalawigan ng Masbate.