Mahigit 1,500 job vacancies ino-offer sa jobs fair sa Labor Day

NAGA CITY-  Mahigit 1,500 na bakanteng trabaho ang ino-offer sa Jobs Fair na gagawin sa Robinson’s Place Naga City sa Mayo 1, Labor Day.

Sinabi sa Brigada News FM Naga ni Johana Gasga, tagapagsalita ng DOLE- Bicol,  local jobs ang karamihan; mga manggagawang kailangan ng mga kompanya, opisina at iba pa. Kailangan mag register online  ang mga job seekers mula sa Naga at Camarines Sur upang maging mas madali ang proseso.(dolero5.com/jobfair/RegOnline_)

Read More:  2 dead, several injured as century-old mango trees crush Davao homes

Samantala kung ikukumpara noong 2021, tumataas na ang employment rate sa Bicol, ang mga programa aniya ng DOLE ay nakakabit na sa economic recovery.

Read More:  15-year-old admits killing mother found inside abandoned septic tank in Bohol

Para naman sa mga nadisplaced sa trabaho at mga self-employed nagpapatuloy ang TUPAD or Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers.