LEGAZPI CITY – Dalawang araw na lang ay magtatapos na ang Early Registration ng mga mag-aaral sa Abril 30 2022.
Ayon sa Department of Education (DEPED) Bicol, aabot nasa mahigit 2.9M na ang bilang ng mga mag-aaral ang nagparehistro para sa kindergarten, Grade 1, 7 at 11 sa darating na School Year 2022-2023.
Layunin nito ay maagang makapagrehistro ang bata o estudyante ngayon school year upang malaman ang bilang ng idinagdag na mag-aaral.
Dito nila kasi matutukoy kung gaano karami ang nag-enrol sa mga paaralan upang magawa ng mga paghahanda at maisaayon ang kakulangan sa silid aralan.
Sa ngayon ay patuloy pa rin naman ang pagtanggap ng mga mag-aaral sa rehiyon sa mga paaralan.