Umabot sa apat ang inihaing petisyon para sa kahilingang taas pasahod sa mga manggawa sa pribadong sector sa Central Luzon.
Ayon kay Department of Labor and Employment Region 3 Dir. Geraldine Panlilio, apat na grupo ang nagsumite ng petisyon at iba-iba ang halaga ng omentong hinihiling ng mga ito.
Mayroong ang kahilingan ay karagdagang higit tatlong daang piso at mayroon namang nasa apat na raang piso.
Sa kasalukuyan ay tuloy-tuloy ang ginagawang public hearing ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board.
Ang grupo na mismo ang pumupunta sa mga probinsiya sa rehiyon para sa public hearing.
Natapos na ang Pampanga, Bulacan at Bataan habang ang Zambales ay mamayang hapon.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
