KORONADAL CITY- ESTABLE na ang kondisyon ng lake at mga fish cages sa bayan ng Lake Sebu, South Cotabato matapos tamaan ng ‘kamahong’ o fish kill.
Inihayag ni Lake Warden Rudy Muyco na abala na ngayon sa paglilinis ng kanilang mga fish cages ang mga operators habang ang iba ay nagsimula nang mag-reload ng mga fingerlings.
Bumalik na din aniya sa dati ang presyo ng tilapia sa naturang lugar matapos na nagbagsak-presyo dahil sa dami ng supply bunsod ng ipinatupad na early harvest.
Ayon kay Muyco na batay sa pinakahuling validation, umabot sa 50 mga fish cage operators ang apektado ng fish kill mula sa Barangay Poblacion, Takunel, at Bacdulong.
Nasa 53,700 kilos ng tilapia ang namatay na may kabuuang market value na P 6.4 million.
