Provincial Health Office Camarines Norte nagpahayag ng pagkabahala hinggil sa posibilidad na magkaroon ng surge ng COVID- 19 dahil sa mga political rally

Nagpahayag ng pagkabahala ang Provincial Health Office hinggil sa posibilidad ng pagkakaroon ng surge ng COVID- 19 dahil sa kaliwa’t kanang political rally.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet sinabi ni Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco na bagamat mataga- tagal nang walang naitatalang bagong kaso ng COVID- 19  sa lalawigan ay hindi aniya ito nangangahulugan na hindi na magkakaroon ng pagtaas.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Ayon kay Francisco wala namang problema sa mga pagtitipong pampulitikal basta’t masusunod ang social distancing.

Kapansin- pansin daw kasi na hindi na nasusunod ang social distancing at may mga iba pang dumadalo sa pagtitipon na hindi nakasuot ng face mask.

Kaya isa umano sa dahilan ng pagmamadali ng DOH at PHO na mabakunahan ang mas maraming mga taga Camarines Norte upang mabigyan ang mga ito ng proteksyon.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Maging ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P’s) na hindi pa nababakunahan ay pinaalalahan ni Francisco na magpabakuna.

Naniniwala ang opisyal na kahit hindi specific ang COVID- 19 vaccination ay bahagi pa rin ito ng kundisyon ng programa sa pagtanggap ng grant.