Contact tracing efforts ipinapatupad pa rin ng simbahan sa bayan ng Capalonga, Camarines Norte

Inihayag ng pamunuan ng dinarayong Shrine of Jesus the Black Nazarene at Parish of St. Lucy sa Capalonga, Camarines Norte na nagpapatupad pa rin ito ng contact tracing efforts sa kabila ng pagluluwag ng mga restrictions.

Ayon kay Fr. Salvador Babala IV, Parish Priest at Rector ng simbahan ito umano ay dahil ipinag uutos pa ng pamahalaan na magsagawa ng contact tracing.

Kung siya lang aniya ang masusunod ay gusto na niya itong alisin pero kailangang sundin ang patakaran ng pamahalaan ngayong nasa Alert Level 2 pa ang probinsiya.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Patuloy din ang paalala ng pari na sundin ang health protocols kontra COVID- 19 tulad ng pagsusuot ng face mask at social distancing sa loob at labas ng simbahan.

Samantala, magsisimula naman sa Mayo 4 ang novenary days para sa kapistahan ng Mahal na Poong Nazareno ng Capalonga.

Read More:  Rescued Philippine eagle survives critical injuries in Bukidnon as experts find airgun pellets

Gagawin ang misa sa alas 5 ng hapon pero magkakaroon ng alas 7 ng umagang misa para naman sa mga pilgrims.

Pagsapit ng Mayo 10 ang mga misa ay gagawin na sa ginagawang dambana hanggang sa kapistahan ng umaga sa Mayo 13.

Ibabalik lang ang misa sa simbahan pagsapit ng alas 9 ng umaga para sa pagdiriwang ng kapistahan

Wala rin muna ngayong tradisyunal na misa sa Bay walk.