Inihayag ni Miss Universe 2021 Harnaaz Kaur Sandhu ang ilan sa mga katangin ng isang susunod na Miss Universe Philippines ang kanyang hinahanap.
Ayon sa beauty queen, kailangan lang na maging authentic ang isang kandidata at kumpiyansa sa kanyakang sarili.
Kailangan rin umano itong maging wise sa kung anu ang kanyang pinaniniwalaan at handang patunayan ito.

Maliban dito, hinahanap rin ni Harnaaz sa isang susunod na Miss Universe Philippines na maging daring at matapang na ugali para mabago ang mundo.
Ang Miss Universe 2021 ay isa sa magiging hurado sa naturang pageant, na personal pang sinundo ni Narvacan, Ilocos Sur Mayor Luis “Chavit” Singson at ng anak nitong si Architect Richelle Singson-Michael mula sa India gamit ang kanilang 12-seater private plane, ang Air Beauty One. //MHEL PACIA-TRINIDAD