12 katao sugatan, matapos mawalan ng kontrol ang sinasakyang boom truck sa Caramoran, Catanduanes

BNFM BICOL—Nasa 12 mga indibidwal ang isinugod at nilapatan ng lunas sa pagamutan matapos ang mga itong magtamo ng sugat makaraang maaksidente ang sinasakyang ‘6 wheeler boom truck’ sa bayan ng Caramoran, Catanduanes.

Batay sa ulat ng mga otoridad, binabaybay ng nasabing sasakyan ang daan mula sa bayan ng Virac patungo sa Caramoran nang aksidenteng mawalan ng kontrol ang driver sa minamanehong truck, daan upang bahagya itong mahulog sa bangin.

Read More:  Drunk man allegedly sets own house on fire in Cebu

Dahil sa insidente, nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang mga sakay nito na napag-alamang mga empleyado pala ng isang telecommunications, internet and digital service holdings company.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Samantala, lumalabas naman sa imbestigasyon ng mga otoridad na matarik at pakurbada ang daan kung saan nangyari ang aksidente habang nasa kustodiya na ng PNP ang driver, na boluntaryong isinuko ang kanyang sarili.###