Subsidy para sa mga magsasaka at mangingisda, tuloy na ang distribusyon – Comelec

Kinumpirma ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner George Erwin Garcia na aprubado na ang subsidy program exemption ng Department of Agriculture (DA).

Kabilang sa mabibigyan ng ayuda mula sa pamahalaan ang mga magsasaka ng mais at mangingisda na makakatanggap ng P3,000 fuel discount vouchers.

Read More:  House prosecutors await VP Sara’s appearance in impeachment trial

Matatandaan na pansamantalang ipinatilig ang pamamahagi ng naturang subsidy alinsunod sa Comelec Resolution No. 10747 kung saan ipinagbabawal ang pagre-release ng pondo ng gobyerno sa panahon ng kampanya.

Read More:  Palace says VP Sara’s alleged threat involves national security

Samantala, kinumpirma din ng Comelec na tuloy na fuel subsidy distribution sa mga tsuper at operator ng mga transport vehicles sa bansa. || ARGIE ERGINA