NBA Playoffs: Celtics hindi pinaporma ang Nets, 2-0 na!

Hindi pinaporma ng Boston Celtics ang Brooklyn Nets para tuluyang kunin ang Game 2 at angkinin ang 2-0 lead sa first round ng NBA playoffs.

Matinding depensa ang ipinamalas ng Celtics kung saan nalimitahan lamang sa 10 points si Kyrie Irving sa 4/13 shooting.

Read More:  San Miguel forces deciding Game 5 against Ginebra; Converge advances to semifinals

Bagama’t may 27 points si Kevin Durant inalat din ito sa 4/17 field goal shooting.

Nagtala naman ng double-digits sa scoring ang lahat ng starters ng Celtics sa pangunguna ni Jaylen Brown na may 22 points at Jayson Tatum na nag-ambag ng 19 points at 10 assists.

Read More:  Pinoy surfer John Mark Tokong advances to Round 2 of World Surf League

Susubukan naman ng Nets na makabawi sa Game 3 na gaganapin sa kanilang home court sa Linggo, April 24, 2022.