Covid-19 vaccine ang sagot para makagalaw ng mas maluwag ang mga Pilipino – Pres Adviser

Iginiit ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na bakuna kontra Covid-19 ang sagot upang makagalaw ng mas maluwag ang mga Pilipino.

Nanawagan si Concepcion sa publiko na i-avail ang booster shots para mas maproteksyunan ang sarili laban sa nakakahawang sakit.

Read More:  Padilla renews death penalty call after MC taxi rider killing

Sinabi niya na masisira ang negosyo at ekonomiya ng Pilipinas kung ibababa ulit sa Alert Level 3 o 4 kapag tumaas na naman ang kaso ng Covid-19 sa bansa.

Read More:  TDC highlights education system issues following death of grade 4 student in Cavite

Samantala, sa ngayon ay nasa 37.6 million ang mga eligible para sa booster shots base sa ulat ng Department of Health noong ika-17 ng Abril. || ARGIE ERGINA