Comelec, nagpaalala sa publiko na bawal ng mangampanya sa mismong araw ng eleksyon

Nagpaalala si Commission on Elections (Comelec) Commissioner George Garcia sa publiko na bawal ng magsuot ng damit na may mukha o pangalan ng kanilang kandidato sa mismong araw ng eleksyon.

Ayon kay Garcia, dapat itong iwasan ng mga boboto dahil ikinokonsidera umano itong election day campaigning.

Read More:  Senate court targets VP Sara confidential funds issue before August

Iginiit naman niya na pwede pa ring magsuot ng candidate’s campaign color o slogan.

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist

Samantala, 10 ang presidential candidates na maaaring pagpilian ng mga botante ngayong eleksyon habang 9 naman ang tumatakbo sa pagka bise-presidente. Nasa 64 ang senatorial bets at 177 ang party-list groups. || ARGIE ERGINA