Comelec, iimbestigahan ang Bukidnon at Lanao del Sur shooting incidents

Iimbestigahan ng Commission on Elections (Comelec) ang shooting incidents sa Bukidnon at Lanao Del Sur, upang matukoy kung ang mga ito ay may kaugnayan sa eleksyon o hindi.

Ang pahayag ni Comelec chairman Saidamen Pangarungan, ay matapos masugatan ang walong katao, matapos na magbarilan ang mga miyembro ng dalawang pamilya sa Lanao del Sur.

Read More:  Transport groups seek ₱2 fare increase, warn of nationwide strike

Maliban dito, may limang indibidwal rin na sugatan matapos na barilin si labor leader Leody De Guzman, at ang partido nito, kasama ang grupo ng indigenous persons sa Quezon Bukidnon.

Read More:  VP Sara defense awaits senate ruling on subpoena request

Kinondena naman ni Pangarungan ang naturang mga karahasan, at sinabing mag-aalok ang poll body ng karagdagang security detail para sa lahat ng presidential at vice-presidential candidates sa gitna ng imbestigasyon, kung hihilingin umano ng mga ito.

#MPT