Tigil operasyon na ang dalawang towing company na kakontrata ng city government ng Olongapo.
Ito ay makaraang mag-expired ang isang taong kontrata ng dalawang kompanya na kinuhang ka-partner ng siyudad noong 2021.
Ayon kay Sangguniang Panlunsod Committee On Traffic Management Chairman Jerome Bacay, wala pang abiso mula sa Mayor’s Office kung plano pang i-renew o hindi na ang kontrata ng mga kompanya.
Matatandaan, naging kontrobersyal ang dalawang towing company dahil sa dami ng mga reklamo mula sa mga motoristang umanoy na-tow ang mga sasakyan nang hindi malinaw kung ano ang nagawang paglabag.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO
