Boracay hotels na ‘di susunod sa protocol, ipasasara – DOT

Nakatakda nang itatag ang ‘Boracay Inter-Agency Task Force’ para tutukan ang dagsang tao sa isla, mapangalagaan ang natural na estado ng Boracay, at pati na rin mabantayan ang pagsunod sa health protocols ng mga bakasyunista.

Ito ang inihayag ni Tourism Secretay Bernadette Romulo-Puyat matapos lumagpas ang bilang ng mga turista ng Boracay sa carrying capacity nito nitong nagdaang Holy Week.

Bago pa kasi ang pandemya, itinakda na hanggang 19,000 lamang ang papayagan sa Boracay ngunit sumipa ito sa 22,000 nitong Semana Santa.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Higit daw itong nakababahala lalo na’t mayroon pa silang nakitang mga bakasyunista na hindi na sumusunod sa mga health protocols.

Giit ng Kalihim, sana raw ay sumunod pa rin ang ating mga kababayan sa mga protocol lalo na’t ngayon pa nga lang muli nakakabangon ang mga negosyo’t trabaho sa Isla at ayaw naman nilang muli itong isara dahil sa paglobo ng mga kaso ng COVID-19.

Read More:  Political vlogger Mimaa Alicia killed in Caloocan shooting

Ayon kay Puyat, ang pagababalik sa normal ay ‘shared responsbility’ kaya naman lahat tayo, kabilang ang gobyerno, at mga turista, ay mayroong tungkulin para mapababa ang COVID-19 cases.

Muli rin nitong binalaan ang mga hotels na hindi susunod sa mga itinakdang guidelines ng Kagawaran.

Paaalala nito, sa oras na mapatunayang may paglabag ang mga hotels at resorts ay posible itong mapasara at hindi na makapag-operate pa.

#