Sa China, naitala ang kauna-unahang covid-19 fatality matapos ang ilang linggong mahigpit na lockdown sa Shanghai.
Sa ulat, tatlong mga pasyente ang lumala ang sintomas matapos ang treatment nito sa mga ospital.
Kabilang sa mga nasawi ay dalawang ginang na edad 89 at 91; at isang lalaki na edad 91.
Ayon sa report ng Shangai City, mayroon nang existing na karamdaman ang mga pasyente kabilang na ang sakit sa puso, altapresyon at diabetis.
#
